Richard is a nurse by profession and is a Victory group leader and admin support volunteer in Victory Metro East. He lives in Marikina, and while their home was not flooded, he immediately saw the devastation in their community when he went to the market. The muddied streets were filled with a mixture of household items and trash. People were covered in mud, and he wondered how long they hadn’t been able to change clothes. In the midst of this hopeless situation, he wanted to extend God’s hope and do what he could to help. Here’s his story.
Noong nakita ko ‘yung mga tao, noon ko naramdaman na parang hinipo ng Diyos ang puso ko. Alam ko na tinatawag ako ng Diyos upang tumulong sa kahit na anong paraan. Noong una naisip ko pa na wala naman akong masyadong magagawa o maibibigay sa mga tao. Pero habang tinitingnan ko sila, nagiging malinaw sa ’kin na hindi naman kinakailangan na malaking tulong ang maibigay ko. Kahit mga tuyong damit lang, malaking ginhawa na ’yun sa kanila.
Dahil dito, nag-post ako sa Facebook na tumatanggap ako ng anumang donation para sa mga nabaha sa Marikina, at nagulat ako sa dami ng taong handang tumulong. Sunod-sunod ang pagdating ng mga donation. Karamihan pa nga sa mga ito ay hindi ko alam kung kanino galing kasi hindi naman sila nagpakilala. May mga nagbigay din ng mga face masks at face shields. Naisip ko na kahit 50 packs lang ng relief goods ang magawa namin, marami na itong matutulungan. Pero dahil sa mga nagbigay, nakapag-abot kami ng tulong sa 74 na pamilya.
Ang Victory group ko, na puro college students dito sa Marikina, at ang aking pamilya ang kasama ko sa pag-repack at pag-iikot. Nakakadurog ng puso ‘yung mga nakita naming sitwasyon noong araw na nag-ikot kami sa mga lugar na nasalanta ng baha. Alam ko na hindi lang kami basta namimigay ng mga tuyong damit at konting pagkain. Nakapagbibigay kami ng pag-asa sa kanila.
Nakita ko na sa ganitong mga sitwasyon, walang maliit na tulong. Kahit pa isang damit lang ang maibibigay mo, isang lata ng sardinas, o anuman, malaking tulong ito para sa ating mga kababayan. Hindi man namin naipagdasal o naibahagi ang salita ng Diyos sa lahat ng naabutan namin ng tulong, alam ko na bawat isa sa kanila ay nakaramdam ng pagkalinga at pagmamahal ng Diyos. Ang panalangin ko ay makita nila na sa kabila ng lahat ng mga nangyayari ngayong taon, hindi tayo pinababayaan ng Diyos. Siya ang magliligtas sa atin.
“When you pass through the waters, I will be with you;
and through the rivers, they shall not overwhelm you . . .
For I am the Lord your God, the Holy One of Israel, your Savior.”
Isaiah 43:2,3
On Saturday, Richard will once again distribute relief goods that were donated by Victory in Metro Manila. With his Victory group, they will go to communities in Montalban, Rizal. He remains grateful for the support and love extended by the church community.
Richard is one of many volunteers who is reaching out to help those affected by the recent typhoons. We thank God for people like Richard who are serving as God’s hands and feet at this time.
You can join us in praying for our countrymen who were affected by the typhoons and floods in the different parts of our country. If you want to help the communities affected by the recent typhoons, you can visit www.victory.org.ph/TyphoonPHRelief for more details. May God bless you for your generosity!